EPISODE 1 - PAGSIBOL NG KATOTOHANAN
Sa malayong lupain ng bulubundukin ng Sha-huarma, may apat na ibat-ibang tribo na siyang kauna-unahang sumibol sa mga lupaing ito. gaya ng tribo Bakal, Dagal, Kalabawal at Asol. Isang dapit hapon sa malayong panahon ng kasarinlan ng bansang Pilipinas, sa lugar na tinatawag na "Tribo Bakal" natatangi ang mapagkaka-kilanlan ng naturang kapayapaan, pagkakaisa at kalibu-ghan.
Ito ay isang maliit na tribo sa gitna ng kagubatan, kung saan napakasagana at mahitik sa kayamanan ng kalikasan ang lubos na bumabalot sa kapaligirang ito. Kalibu ang tawagan nila sa isa't-isa. Ngunit may kakaibang misteryo ang nakapaloob sa tribo Bakal.
- (kalibu - katribo o kapwa)
Isang hapon, isang babaeng nag-ngangalang Indang ang humiling sa kanyang ama, na sila ay muling gumala sa gubat upang mamasyal at manghuli ng tutubi, ang ama ni Indang ay si datu Andung na may sakit na osteoporosis ay isang matandang uhugin, bugnutan, panot, ngunit nung kabataan ay isang matipuno, makisig, at matalinong prinsipe na mahilig sa kulay pula na kasuotang pang-bahag at mga bahay pang-dekorasyon. Bagamat si datu Andung ay madaldal na tao siya naman ay may napaka-busilak, makapag-damdaming, nakakapagpabagabag at maka-lagpas langit na kalooban, kung kaya siya daw ay karapat-dapat na pinuno ng tribo.
Ang bawat kalibu sa tribo Bakal ay maaring mag-tungo sa kahit saang lugar, subalit ipinagbabawal ang pagpunta sa lagpas ng kakahuyan. Bagama't maraming katanungan ngayon sa kung ano man ang mayroon sa labas ng tribo, ay sinasabing nananatili itong sagrado at pinaniniwalaang utos ng bathala, kung kaya ang bawat kalibu ay patuloy na sumusunod sa utos ng datu Andung.
Si Indang ay isang napakagandang dalaga, kayumanggi, matangkad, may mahaba at kulot na buhok hanggang sa baywang, may maputing balat, mapupulang mga labi, mapungay na mata, may malalaking hinaharap na mga pangarap sa buhay at ipinanganak na bungal lahat ang ngipin sa ibaba, Maliban sa pamamasyal sa kagubatan, tinatanong palagi ni Indang sa kanyang ama kung ano ang mayroon sa dulo ng kagubatan;
Indang: Amang anya ba ti adda diyay ruar iti tribu tayu?
Andung: Iha, magtagalog tayo dahil hindi maiintindihan ng mga viewers natin ok?
Indang: O sige ho, ano po bang mayroon sa labas ng kakahuyan ama?
Andung: Ayoko sanang malaman mo ito ngunit bagamat nasa tamang panahon na at nasa hustong gulang ka na aking anak, nais kong malaman mo na.
Sa yaong pagkakataon, tila napatigil ang kanyang ama sa pananalita, kasabay ng kanyang pag-buka ng bibig, tila bagay lumalaganap ang sakit nyang osteoporosis. Ngunit sa pagkatila ni datu Andung, isang malaking pagkagambala ang bumahid sa kanyang mukha nag-lalayong may nagaganap na sakuna, kasabay ng pagkaturo ng kanyang ama sa kanilang tribu. Sumulyap sa kanyang likuran si Indang, at nagwikang
Indang: Ama napakaganda po ng fireworks sa ating tribo! wow!
Andung: Anak hindi yun isang fireworks, ito na ang itinakda sa propesiya ang paglusob ng mga taga-tribo Dagal. Kahit anong mangyari wag kang papakagat sa pain ng mga taga-tribo Dagal. Isa itong napakalaking panganib at ikaw ang naka-takdang prinsesa na magtatapos sa kasakiman at kasamaan ng mga taga-Dagal
Indang: Ha? ngunit hindi ko po maintindihan aking ama.
Andung: Indang narito ang tali ng kahayupan, narito ang kasagutan sa mga katanungan na dapat mong malaman, sadya itong bubugkos sa karapatdapat na itinakda. Sa tribo Kalabawal ka magtungo at hanapin mo ang itinakdang lalaking proprotekta sa iyo. Ipangako mo sa aking ingatan mo ang tali ng kahayupan at wag na wag dadaig ang kasamaan sa iyong puso, dapat puro kalibu-ghan!
Kasabay ng pag-pawi ni indang sa kanyang mga luha, isang mahigpit na pagyakap ni datu Andung sa kanyang anak, na para baga'y may kalakip na pamamaalam at siya nawang huling salitang maririnig ni datu Andung mula sa kanyang anak.
Indang: mag-iingat ho kayo aking Ama.
Sa higpit ng kanilang yakapan, damang dama ang pagmamahal ni datu Andung sa kanyang anak. Nais sanang mag-wika ni Indang ng maikling salita upang masabi kung gaano niya kamahal ang kanyang ama. Ngunit tumalon na ng pagka-taas-taas ang kanyang Ama
Habang nasa ere ang kanyang ama, nagbago bigla ng anyo si Indang. Mula sa pagiging tao napalitan ang kanyang katawan sa pagiging kalahating tao at kalahating baka, at pagkababa naman ni datu Andung mula sa pagka-katalon ay nagbagong anyo rin ito. Magmula sa baywang pataas ay ang pagiging tao at sa baba ay ang kalahating baka, mas naging matipuno ang itsura ni datu Andung, parang walang edad na mahahapis sa kanyang bagong anyo, naging mas makisig at may bakas lang ng pagiging mandirigma ang anyo ni datu Andung, ang huling pag-lingon narin malamang ng naturang datu kay Indang mula sa malayo, ay kasabay na din ng kanyang paghawak ng kanyang panangga at espada na nangangahulugan baga'y ang naitakdang pamamaalam sabay karipas na ng takbo palayo ng Datu pabalik na ng kanilang tribo habang palayo naman na si Indang mula sa kinatatayuan sa kagubatan tila ba patungo siya sa dati ay ipinagbabawal at masukal na kakahuyan na siyang nais na ipinagtungo ng kanyang ama sa tribo Kalabawal.
EPISODE 2 - TALI NG KAHAYUPAN
Ang tali ng kahayupan ang siyang sagradong tali na pinalilibutan ng napakaraming ginto, perlas, pilak at mga ibat-ibang mamahaling mga bato. Ito ang siyang nagbibigay ng ibat-ibang kapangyarihan sa bawat nilalang depende sa emosyon, ugali at hangarin ng bawat tao rito. Sa apat na tribo may kanya kanyang tali ng kahayupan na nakapaloob at ang bawat latigero ng tribo ay nagkakaroon ng panibagong kakahayan, at ang kakayahang iyon ang siyang maaring makapagbabago sa sitwasyon ng buong tribo o ang maaaring makalutas sa nangangambang suliranin ng bawat tribo.
Dahilan sa katandaan ni datu Andung napagpasiyahan na niyang ipasa ang tali ng kahayupan sa kanyang babaeng anak na si Indang, bagamat mayrooong mga propesiya na isang babae ang magtatapos sa digmaan ng bawat tribo sa malayong panahon, nangangamba si datu Andung na baka si Indang ang siyang nakatakdang babae na makakapanigurado sa pagtatapos ng digmaan, ngunit walang naipapakita sa propesiya kung gaano kabilis, paano ang proseso at kung bakit matatapos ang digmaang ito.
to be continued..